i will always be a provinciano

dun ako pinanganak.
dun ako lumaki.
dun ako tumakbo ng malaya.
dun ako nadapa.

dun ako umiyak.
dun ako tumahan.
dun ako unang umakyat.
dun ako unang naputulan ng sanga.

at kahit akoy namumuhay ngayon
sa konkretong kagubatan na ito,
ang aking isipan, ugali at kaluluwa
ay habambuhay na probinsyano.

nay, tay, sa sabado akoy muling uuwi.
may dalang damit na marurumi.

sampayan, init ng araw. kamay na amoy sabon.

hangin. hangin.
sipol. sipol.

One Comment

  1. cesar
    Posted February 22, 2010 at 8:21 pm | #

    he he he galing mong magkosot tol

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>