ugat

ang wika

lumapag ang aking mga paa
sa lupang kinagisnan,
ilang nagniningas na ala-ala
mula ng ako ay lumisan.

hinakbang ang mga dahon
tuyot mula sa galit,
ni haring araw na sa lupa’y
binibilang ang paglapit.

‘nay, ‘tay, ako po’y parating na…

bitbit ang maruming uniporme
na puno pawis ng ciudad,
dinadama ang malamig na bulong
sa kalsadang umaalab.

mga matang animoy nakangisi
sa ulap na di ma-bot abot,
kaytagal na di nasilayan
pinalitan ng sigaw at usok.

‘nay, ‘tay, ako po’y naririto na…

inangat ang mga kamay
na pagod na sa mga dekada,
inilapat sa aking noo
mano po mahal kong ina, ama.

at dahil kanilang sigla at giliw
ang syang aking nasumpungan,
ang aking sunod na sinambit

‘nay, ‘tay, meron ba tayo dyan?

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>